Sabado, Marso 7, 2009

Ang SIMULA - GYEONGJU FILIPINO COMMUNITY

">
AUGUST 2007 - GYEONGJU FILIPINO COMMUNITY (GFC) ay nag-umpisa sa pamamagitan ng pagtutulungan nga mga tao na gustong magkaroon ng matatag na samahan ng mga FILIPINO dito sa GYEONGJU CITY, South KOREA.Noong una ay gustong magsimba ang mga kasama ni Ginoong ORIBELLO at dahil doon nagtanong-tanong sila kung saan matatagpunan ang simbahang KATOLIKO dito sa Gyeongju at nakilala nila si Ms. Hellena LEE sa kabutihang palad siya ay magaling sa wikang ENGLISH at siya ang naging interpreter ng organisasyon hanggang sa nakilala nila si Madam ROSA MOON na isang miyembro ng liturgical ministry dito sa simbahan at siya na rin ang naging tulay upang maisakatuparan ang gusto ng mga kasamahan ng magkaroon ng MISA na para sa mga FILIPINO dito sa Gyeongju. Naumpisahan ito sa pamamagitan ni Ginoong Philip Oribello at siya na rin ang napiling bilang PRESIDENTE ng samahang ito. Ang PAGMAMAHAL SA DIYOS ang siyang nagbuklod ang mga Filipino upang mabuo ang samahang ito.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento